The source of my life.
Then Jesus said, “Come to Me, all of you who are weary and carry heavy burdens, and I will give you rest.” - Matt. 11:28
Malamang karamihan sa mga nakakita palang ng word na “JESUS” e iiignore nato. Hindi ko alam kung bakit karamihan na kapag usaping Diyos e hindi pinapasin o kaya e sinasantabi lang. Pero pag usaping lovelife at sa ibang bagay walang pinalalampas. Anyway, gusto kong ishare itong devotion ko ngayong araw.
Sobrang na touch talaga ako sa verse na to. Sa tuwing stress ako sa school, gulong gulo kakaisip sa mga problema at sa ibang bagay, eto talaga yung nakakapagpalakas sakin. Kasi nareremind ako na ang Diyos lang ang makakapagbigay sa akin ng tunay na kapahingahan at kapayapaan. Alam mo yun once na nagpray nako after nun naaayos yung mga problema ko, napapayapa yung isip ko. Kesa naman kung uminom ako, wala din after nun andun parin yung problema. Napagastos nako, masakit pa ulo dahil sa hangover. Alam mo yung feeling na andami mong nagagawang kasalanan, minsan nga nakakalimutan mo kahit magpray nalang pero andyan parin si God para patawarin ako sa kasalanan ko at pinaparamdam sakin yung pagmamahal Niya. Nakakatouch no?
Kaya sa mga stress, madaming iniisip, broken hearted, etc. eto para sa inyo. Mahal ka ng Diyos tol. Only God can give perfect love, perfect peace. In God, there is no rejection. Jesus is the ultimate source of our life. Come to Him today. :)
Goodnight. :)
Nakakaasar yung mga lalake na hindi ka na kakausapin pagkatapos kang makita kasi hindi ka GOODLOOKING.
Lord. Naguguluhan po ako sa sitwashon ko ngayon. :( ano po bang dapat kong gawin?
Drafts.
Kanina hinalungkat ko tong tumblr ko. nabasa ko sa drafts ko na may blog ako about sa ex ko. binasa ko. nakakatuwa ganun pala nangyare sakin two years ago. halos di ko na matandaan yung mga nangyare. pero nung nabasa ko yung blog ko parang narewind lahat. Lahat lahat.
Ayun. after 2 years. di ko parin sha makalimutan. lagi paring sinisilip yung fb niya kahit alam ko namang hindi niya binubuksan yun. wala lang. baka may bago. ng unsubscribe nako para wala akong balita sakanya pero pumupunta naman ako sa fb niya. wala rin. HAY. kelan ko kaya sha makakalimutan?
Di ko na ippublish yung nasa drafts ko. kalimutan na ang dapat kalimutan. :) delete.
Nakakalungkot yung mga nagbblog lang para sumikat.
Kung totoong blogger ka, nagbblog ka dahil gusto mo talaga hindi dahil para lang sumikat ka.
Dapat kapag magsasabi ka ng “Mahal kita” may effort, hindi ‘yung basta basta mo lang sasabihin na mahal mo siya. Minsan ang halaga pa ng “Mahal Kita/ I love you” mo e piso lang o minsan wala pang halaga dahil unli ka.
Tribute (03-19-12)
Wee. napakasaya ng gabing to. :) tribute para sa mga 4th year students ng course ko. shempre kasama din ang 1st-3rd year dahil kami mga organizer nito. :)) weee. malapit na. magkakaron nadin kame ng sariling tribute. :) parang kelan lang 1st year lang kame. ngayon 3rd year naa. :) onting tiis nalang ggraduate na. :)))

halatang pagod na pagod ako dito sa picture na to. HAHA. kasama ko dito si Jha. :) actually antok talaga ako nung gabi na yan kasi di pa ako nakakarecover sa mga puyat para sa mga projects, manuals, documentation, etc.

eto ang pinakafavorite kong picture e! bakit? kasama ko kasi mga crush ko. HIHI. XD sa left si Sir Diamsen. siya yung student teacher namen sa statistics. hanep tong taong to. ANTABA NG UTAK! tapos ang bait niya pa. kaya marami kameng makakaklase na may crush sa kanya e. yung sa kanan naman e si Sir Alben. Student Teacher din. Crush ko kasi pogi. haha. :))) ayan talaga yung pinaka nagpasaya sakin nung tribute e. :DD

eto, shempre, mawawala ba ang jambs? :) from left si miah, ako, mika, jha at base. sayang wala si flora. tinamad kasi ata pumunta yun or nagpunta sa boyfriend niya. ayun sayang namiss niya to.
wee. thank you Lord na nakasurvive na kami ng dalawang taon. :) hello third year college life! :))))
my grades ngayong sem. wew. accounting nalang kulang. sa totoo lang, di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. siguro kasi nagexpect ako ng mataas kaya nung nakita ko to e hindi ako nasatisfied. actually sa section namen, kapag ganito yung grades mo, nakakahiya. mababa na kasi to sakanila. kaya nga nung first year ako e iniisip ko na hindi ako dapat nandito sa section nato. pero pag will ni God e wala ka namang magagawa kaya tuloy padin.
Actually kasalanan ko naman kaya ganyan yung mga grades ko. e kasi tamad na tamad din ako mag-aral kaya hindi rin dapat ako mainis. dapat nga maging thankful pa ako sa Lord e. Mga tao talaga no? Imbis na magpasalamat sa mga ginagawang kabutihan ng Diyos sa buhay natin ang nakikita natin e yung mga negative side. Nasa mindset talaga yan ng tao kung paano titignan ang sitwashon ng buhay niya.
Ok na to. :) magaaral nalang ako ng mabuti next sem para hindi ako madisappoint. :) thank you Lord! :D
Hello my dear Tumblr! :)
sa wakass! pagkatapos nang napakatagal na panahon e nakapagblog na din ako. iniisip kong magblog before pero s tuwing naaalala ko yung mga dapat kong gawin e hindi ko na tinutuloy pano kasi pag nagsimula nakong magtumblr e nauubos na ang oras ko dito. wala nakong nagagawa. HAHA.
sa sobrang tagal kong di nagbukas ng tumblr e nakalimutan ko na kung ano ang password ko. haha kaya di ako nagllog-out e. para safe. haha. nakakatuwa pag bukas ko andami nading nagbago. isang buwan lang ako di nagbukas e tila isang taon na ang nakalipas. nakakatuwa at may nagffollow padin sakin. HAHA (salamat mga brad!)
at ngayon na tapos na ang mga gawain sa school. BLOG BLOG NAAA. :D (para sakin, hanep yung mga taong kahit busy sa school e may panahon padin na magblog dito sa tumblr. idol. :DD)
Loving is COMMITMENT over feelings.